Lunes, Agosto 13, 2018

Pamamarusa kay Joselito Barlow Sabino, Jr.,Ikinagalak ng Mamamayang Sorsoganon!

Pamamarusa kay Joselito Barlow Sabino, Jr.,Ikinagalak ng Mamamayang Sorsoganon!

Labis na ikinagalak ng buong mamamayang Sorsogonon ang pagpataw ng parusang kamatayan ng pulang mandirigma ng Celso Minguez Command-BHB Sorsogon kay Joselito Barlow Sabino, Jr. isang Civilian Active Auxiliary (CAA) at residente ng Purok 3 Vinisitahan, Donsol, Sorsogon. Bandang alas 11:30 ng umaga nang isagawa ng isang tim ng CMC-BHB ang nasabing pamamarusa kay Sabino sa Brgy. Gogon, Donsol Sorsogon, nitong Agosto 13, 2018. Ang pagiging aktibo at masigasig na impormer ni Sabino para sa 22nd Cadre Batalyon ang naging batayan ng rebolusyonaryong kilusan upang maging lehitimong target ito ng operasyon ng CMC-BHB. Ginamit ni Sabino ang paglalako nito ng taho upang malayang makalabas-masok sa mga sonang gerilya ng kilusan, at gayundin malayang makakalap ng mga impormasyon laban sa mamamayan sa lugar. Sa kanyang pagkawala, malaya na namang makapapamuhay ng tahimik ang mga mamamayan ng Donsol sa bahaging ito ng Sorsogon. 
 
Patuloy pa rin ang panawagan at panghihikayat ng CMC-BHB Sorsogon sa mga aktibong myembro ng Cafgu at mga impormer ng 31st Infantry Battalion na tuluyan na nitong talikuran ang kanilang berdugong gawain laban sa mamamayan at sa kilusan. Ang papatinding krisis sa lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal ay hindi dapat maging dahilan upang maging bahagi kayo ng instrumento ng gubyerno para dahasin at paslangin ang malawak na sambayanan na tulad nyo rin na nakararanas ng matinding kahirapan.

Anumang desperadong aktibidad at programa ng 31st IBPA at 9th IDPA upang pulbusin umano ang rebolusyonaryong kilusan ay mananatili pa rin bigo. Hindi kailanman malulusaw ang rebolusyonaryong lakas ng mamamayan na malaon nang nakaugat sa malawak na sambayanan inaapi't pinagsasamantalahan.

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
Mabuhay ang Sambayanang Sorsogonon!
Mamamayan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command (BHB-Sorsogon)

Twitter Account: @cmcnpasorsogon
Blogger Account: www.npasorsogon.blogspot.com

Sabado, Enero 7, 2017

Ika-48 Taong Anibersaryo ng PKP!

Ang Bidyung ito ay ihinahandog ng Isnayp Bikol para sa Ika-48th Taong Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!

Link: https://youtu.be/Ab2-FmSJejQ

Biyernes, Agosto 7, 2015



Pahayag sa media
Agosto 8, 2015


Apat Na Sundalo Ng 2nd IBPA, Sugatan Sa Operasyong Demolisyon Ng Bagong Hukbong Bayan


Nasugatan ang apat na sundalo ng 2nd IBPA sa matagumpay na operasyong demolisyon ng Bagong Hukbong Bayan sa Brgy. Rawis, Pioduran, Albay. Pinasabugan ng command-detonated explosive at isang granada ng isang tim ng BHB ang isang seksyon ng tropang kaaway habang sila ay nagpapatrolya kahapon, ika-6 ng umaga, Agosto 7, 2015. Ang pagpapasabog ay isinagawa ng BHB bilang pamamarusa sa mga abusadong militar na maraming krimen laban sa mamamayan sa nasabing lugar.

Ang nagpapatrolyang tropang  napasabugan ng BHB ay bahagi ng operasyong PDT ng 2nd IBPA. Dalawang linggo nang muling namamalagi ang operasyong PDT  sa pitong (7) baranggay ng bayan ng Pioduran, ang Brgy. Rawis, Matanglad, Buyo, Sukip, Salvacion, Sto. Cristo at Sinagaran. Natatakot at nangangamba ang mga residente sa mga nasabing baranggay nang saklawin muli ng operasyong PDT ang lugar nila dahil sa napakaraming kaso ng pang-aabuso sa kanila ng 2nd IBPA. Matatandaang maraming reklamo ang mga taumbaryo sa ilang baranggay ng Pioduran laban sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng tropang 2nd IBPA mula pa taong 2010.


Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!


Florante Orobia
Tagapagsalita

Linggo, Hunyo 28, 2015

Paglilinaw ukol sa sulat sa Albay Power and Energy Corp

Pahayag sa Media
June 29, 2015


Paglilinaw ukol sa sulat sa Albay Power and Energy Corp


Nitong Hunyo 26, 2015, binasa sa ere sa ilang lokal na media ang isang sulat para sa kumpanyang Albay Power and Energy Corp. (APEC), ang pribadong kumpanyang pag-aari ng San Miguel Energy Corp. (SMEC) na lumamon sa dating Albay Electric Cooperative (ALECO). Galing diumano sa Santos Binamera Command (SBC) ang sulat.  Nagrereklamo iyon ukol sa palpak na serbisyo ng APEC at nagbabanta na hindi papapasukin sa sonang gerilya ang mga empleyado ng APEC tulad ng mga kolektor habang sa isang banda ay hinahamon nito ang APEC na ayusin ang serbisyo sa mga kumukonsumo ng kuryente.

Nais naming ipabatid na walang kinalaman ang Santos Binamera Command sa nasabing sulat. Inaalam pa namin kung sino talaga ang gumawa niyon. Hindi namin kinukunsinti ang paggamit ninuman sa pangalan ng SBC sa ganitong pananakot. Kapakanan ng mamamayan ang aming itinataguyod at hinding-hindi kami gagawa ng anumang hakbang na ikapapahamak ng mga taong walang pagkakasala kabilang ang mga empleyado ng APEC na kabilang din sa masang aming pinagsisilbihan.

Gayunman, hindi maitatatwa ang malawak at lehitimong hinaing ng mga Albayano laban sa pagkakasapribado ng serbisyo sa kuryente sa probinsya.  Ang ALECO ay nilamon ng SMEC na pag-aari ng malaking kapitalistang si Danding Cojuangco pagkatapos ng maanomalyang proseso ng pribatisasyon ng ALECO noong Enero 2014 alinsunod sa EPIRA. Sa batas na ito, hinayaan ng reaksyunaryong gobyerno na magkutsabahan ang mga kapitalistang kumokontrol sa produksyon, transmisyon at distribusyon ng kuryente para makahuthot ng dambuhalang tubong pipigain sa mamamayan.

Sinasalamin ng sulat ang desperasyon ng mamamayan sa usaping ito. Galit sila sa pagtalikod ng gobyerno sa kanilang kapakanan nang suportahan nito ang SMEC at APEC sa kabila ng malawak na pagtutol sa pagsapribado ng ALECO. 

Sinusuportahan at hinihikayat ng Santos Binamera Command ang mga pagkilos ng mamamayan para tutulan at pigilan ang pribatisasyon ng mga batayang sebisyo na dapat sanang ibinibigay ng gobyerno sa mamamayan.  Nakikiisa ang SBC sa pakikibaka ng mga empleyado/manggagawa laban sa pagbuwag na kanilang unyon, iligal na pagtanggal sa trabaho, kontraktwalisasyon at iba pang paglabag sa mga karapatan ng manggagawa sa loob ng pamamalakad ng APEC.  Nananawagan ang Santos Binamera Command sa mamamayang Albayano na ipagpatuloy ang laban sa pribatisasyon sa industriya ng kuryente at tuluyang pagkabulok ng mga serbisyong panlipunan dulot ng neoliberal na patakarang globalisasyon.

Ibasura ang EPIRA! Labanan ang pribatisasyon!


Florante Orobia
Tagapagsalita

Martes, Mayo 19, 2015

Palpak na misengkwentro ng PNP sa Albay, pinagtatakpan

Pahayag sa Media
Mayo 20, 2015


Palpak na misengkwentro ng PNP sa Albay, pinagtatakpan


Pilit pinagtatakpan ng Albay Police Public Safety Company (PPSC) ang kanilang kapalpakan sa naganap na misencounter kahapon, Mayo 19, 2015 sa Sityo San Jose, Brgy. Maslog, Legazpi City. Walang maidahilan ang tropang PNP sa pagtatanong kung paanong ang kanilang tangkang pagkubkob sa tropang BHB ay nagresulta sa sarili nilang kaswalti.

Kinumpirma ng opisyal na ulat ng yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa erya ang misenkwentro ng tropang PNP. Target sana silang kubkubin ng tropang PNP, ngunit huli at lipas na ang impormasyon ng mga pulis. Nang paatras na ang pang-asolt sana na tropa ng pulis, nagkabakbakan sila ng kasamahan nilang naka-abang bilang ‘blocking force’. Samantala, ilang araw nang wala sa lugar na iyon ang yunit ng BHB.

Napatay ng sarili mismo nilang kasamahan at armas si PO3 Rene Balaguer at nasugatan naman si PO2 Ronald Bondat. Sa kahihiyan, pilit na pinapalabas ng kapulisan na lehitimong engkwentro ang nangyari.



Florante Orobia
Tagapagsalita