Biyernes, Agosto 7, 2015



Pahayag sa media
Agosto 8, 2015


Apat Na Sundalo Ng 2nd IBPA, Sugatan Sa Operasyong Demolisyon Ng Bagong Hukbong Bayan


Nasugatan ang apat na sundalo ng 2nd IBPA sa matagumpay na operasyong demolisyon ng Bagong Hukbong Bayan sa Brgy. Rawis, Pioduran, Albay. Pinasabugan ng command-detonated explosive at isang granada ng isang tim ng BHB ang isang seksyon ng tropang kaaway habang sila ay nagpapatrolya kahapon, ika-6 ng umaga, Agosto 7, 2015. Ang pagpapasabog ay isinagawa ng BHB bilang pamamarusa sa mga abusadong militar na maraming krimen laban sa mamamayan sa nasabing lugar.

Ang nagpapatrolyang tropang  napasabugan ng BHB ay bahagi ng operasyong PDT ng 2nd IBPA. Dalawang linggo nang muling namamalagi ang operasyong PDT  sa pitong (7) baranggay ng bayan ng Pioduran, ang Brgy. Rawis, Matanglad, Buyo, Sukip, Salvacion, Sto. Cristo at Sinagaran. Natatakot at nangangamba ang mga residente sa mga nasabing baranggay nang saklawin muli ng operasyong PDT ang lugar nila dahil sa napakaraming kaso ng pang-aabuso sa kanila ng 2nd IBPA. Matatandaang maraming reklamo ang mga taumbaryo sa ilang baranggay ng Pioduran laban sa mga paglabag sa karapatang-pantao ng tropang 2nd IBPA mula pa taong 2010.


Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!


Florante Orobia
Tagapagsalita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento